top of page

𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗶𝗻𝘀𝗽𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗘𝗺𝗶𝗹𝗶𝗮𝗻, 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗻𝗴𝘂𝗻𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗦𝗗𝗢𝗜𝗖

January 12, 2023

325394962_689581469513231_3717305547942081280_n.jpg

Upang siguruhin ang kalusugan ng ating mga mag-aaral, binisita ng School Health and Nutrition Section ng Schools Division Office of Imus City (SDOIC) ang ating paaralan ngayong Huwebes.

Pinangunahan nina Mr. Winchell Y. De Vera at Mr. Christian Gabriel Ynieto, mula sa SDOIC, ang ginanap na Health Inspection ng mga mag-aaral sa Baitang 7 at 8.

𝗘𝗺𝗶𝗹𝗶𝗮𝗻𝗼 𝗺𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗽𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗴𝗶𝗹𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗹𝗶𝗴𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝘀𝗮

January 29, 2023

327965966_1112628226073943_6511144247908918296_n_edited.jpg

Bilang pagdiriwang ng Zero Waste Month ngayong buwan ng Enero, nakiisa ang ating paaralan sa City-wide Clean-up Drive ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) kahapon, Enero 28.


Tulong-tulong sa paglilinis ng paaralan ang mga guro at mag-aaral na Emilian na binubuo ng mga miyembro ng Supreme Student Government (SSG), Yes-O, Boy Scouts of the Philippines (BSP), Girl Scouts of the Philippines (GSP), at Junior Medics.
Katuwang din sa nasabing aktibidad ang mga mag-aaral mula sa Special Program in Science, Technology and Engineering (STE), mga pangulo ng klase mula sa iba't ibang baitang, at ilang student volunteers.


Kabahagi ang ating paaralan sa adhikain ng lokal na pamahalaan panatilihing malinis at maayos ang kapaligiran para sa  #zerowasteimus2023.

GEANHS 2nd General Faculty & School Personnel Meeting 

January 27, 2023

327438082_2438292353000643_2513468150886784410_n.jpg

Sa ginanap na Principal's Hour, nagpasalamat ang ating punongguro, 𝗚. 𝗔𝗿𝘁𝘂𝗿𝗼 𝗣. 𝗥𝗼𝘀𝗮𝗿𝗼𝘀𝗼 𝗝𝗿. sa ibinigay na panahon at suporta ng mga guro at kawani tungo sa katuparan ng mga natatanging pamanang proyekto tulad ng Entablado ng Karunungan ng mga Batang Emilian.


Ibinahagi rin niya ang mga susunod na hakbang ng pamunuan para sa pagpapa-unlad ng mga guro, pisikal na pasilidad at kurikulum. 

bottom of page